i love reading, mula pa ng matuto akong magbasa ay gustong gusto ko ang magbasa. (siguro kaya malabo na ang aking mga mata.) lahat halos ay binabasa ko, komiks, pocketbooks, textbooks kahit wrapper ng kendi ay binabasa ko ang nakasulat. pero sa lahat, ang pinaka-nakakatamad na basahin ay ang textbook! when i was in grade school, i only read komiks. yung komiks na tagalog. gustong gusto ko ang komiks kasi may drawing. hindi mo na kaylangan mag-imagine kung ano ang nangyayari kasi nakikita na mismo sa drawing ang eksena. lagi nalang kapang umuuwi yung tito ko (kapitbahay namin) kasama ang kapatid ko, lumilipat kami sa kabilang bahay para makibasa ng komiks. naputol lang ang hilig namin sa komiks ng tumuntong kami ng highschool. tumira kasi kami sa bahay ng lola. doon walang komiks. paminsan-minsan,...