Pilipinas, Tara Na! v.3Words by: Rene NievaComposed by: Mike Villegas and Rico BlancoArranged by: Angelo VillegasIkaw ba'y nalulungkot
Naiinip, nababagot
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Nakita mo na ba
Ang mga windmills ng Bangui
Lumang simbahan ng Paoay
At mga mansyon sa Silay?
Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?
Tara na, biyahe tayo
Nang ating malaman
Ang kahalagahan
Ng pagbibigayan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang...