Matapos ang maghapong trabaho....nagpunta kaming mag-asawa sa Sta. Lucia Sasmuan para sa Kuraldal. Kasama namin ang kapatid ko. Dahil first time.... di man kami excited... 6:30pm andun na kami...8:00pm pa lang pala ang simula ng misa. Hay! Sabi nila, kung gusto daw magkaanak...sumayaw sa kuraldal.
Kuraldal is celebrated every January 6 in honour of the town's patron saint, Santa Lucia. This saint is believed to help not only the blind but women who wish to have fertility and to bear children. Kuraldal Atlung Ari will end with a bang on January 10, the evening of the "kawakasan" (ending).
The mass was officiated by Most Rev. Archbishop Paciano B. Aniceto together with 5 other priests right after the procession.
Ang daming tao. Sa labas ang misa. Di kasya sa loob ng maliit na chapel ang mga tao. Pagkatapos ng misa...simula na ng sayawan. Sumisigaw ng "Viva Apu Lucia, Pwera Sakit." Actually, hindi ka naman talaga makakasayaw sa dami ng tao. Makikisabay ka lang sa agos ng tao. Kasabay ng sayawan ay ang pagpahid ng panyolito sa imahe.