i love reading, mula pa ng matuto akong magbasa ay gustong gusto ko ang magbasa. (siguro kaya malabo na ang aking mga mata.) lahat halos ay binabasa ko, komiks, pocketbooks, textbooks kahit wrapper ng kendi ay binabasa ko ang nakasulat. pero sa lahat, ang pinaka-nakakatamad na basahin ay ang textbook!
when i was in grade school, i only read komiks. yung komiks na tagalog. gustong gusto ko ang komiks kasi may drawing. hindi mo na kaylangan mag-imagine kung ano ang nangyayari kasi nakikita na mismo sa drawing ang eksena. lagi nalang kapang umuuwi yung tito ko (kapitbahay namin) kasama ang kapatid ko, lumilipat kami sa kabilang bahay para makibasa ng komiks. naputol lang ang hilig namin sa komiks ng tumuntong kami ng highschool. tumira kasi kami sa bahay ng lola. doon walang komiks. paminsan-minsan, kapag umuuwi kami sa bahay ay naghahanap kami ng komiks subalit wala na, ang meron ay yung mga tagalog na pocketbooks na manipis, yung tipong 5minutes lang tapos ng mabasa.
ng mag college na kami ay sa manila na kami nag-aral. dahil hindi naman kami mahilig lumabas at gumimik, at dahil sa pag-galugad sa recto ng murang textbook, natisod naming yung mga tagalog romance pocketbooks. una kong nabasa ay ang nobela ni margarita nuestro na "Don't Give Up on Us, Abigael" diko lang sure kung yun nga ang pamagat pero parang ganon na nga. nagustuhan ko ang kwento at naenganyong magbasa ulit ng nobelang tagalog. sumunod na nabasa ko any ang "be still my heart" ni martha cecilia. hay naku. mula noon ay nagustuhan na namin ang magbasa ng tagalog pocketbooks, kahit na minsan ay parang imposible ang mga karakter (super hunk, super ganda at super yaman) ay ok lang. nakaka inspire at nakakapagbigay din ng pag-asa. minsan kapag malungkot ako ay nagbabasa lang ako ng pocketbook at gagaan ang pakiramdam ko. minsan ay nakakaiyak ang mga eksena. dito nagsimula ang pag kumpleto naming ng mga tagalog romance pocketbooks (precious hearts romance). mga martha cecilia novels ang aming pinaka favorite. minsan paulit-ilit na naming nababasa pero ganoon parin ang impact. ang kapatid ko ay sweethearts, gems, classics,etc. at ang sa akin ay kristine series. nais naming makumpleto ang aming koleksyon. gusto din namin yung ibang mga writer ng phr gaya ni amanda, ken roz yu, laurice del rio, margarita nuestro, camilla, rose tan, sonia franchesca, etc.

but then again, i also love reading fictional english papaerbacks. i have a collection of books of sydney sheldon ang judith mcnaught. yung sidney sheldon ay kulang pa ng dalawa dahil nawawala. may nanghiram at hindi na nasoli. yung "nothing last forever" at "tell me your dreams". pag may time ay maghahanap ako sa recto or sa booksale. before sydney died, he made his last novel "the other side of me". i really want to have that book but wala akong makita sa nb sa pampanga. i told roel i want to have that book at minsan day-off nya ay nakahanap siya sa trinoma. he bought me the book. hehe.
oh! btw, i am a frustrated writer myself kaya siguro ganoon nalang ang fascination ko sa mga pocketbooks.
0 comments:
Post a Comment