While browsing for pictures in my hardrive, nakita ko ang mga pictures na ito. Nakapunta na pala ako ng Sorsogon! Wala nga lang butanding.
From Legazpi City, it took us almost an hour to reach Donsol, the home of the butanding whale sharks. Dahil isang major tourist attraction ang bayan ng Donsol, sementado na ang daan.
We reach the Donsol tourist center. Walang tao. Napakatahimik ng lugar. Maririnig mo lang ang hampas ng alon sa dagat.
Then may sumilip na tao, isang diver sa Bicol Dive Center. Agad naming tinanong kung posible ba na makakita kami ng butanding. Dahil September, wala daw. Every summer sila nagpapakita. Sayang! Ayun at nagpunta na lang kami sa office nila para bumili ng souvenir.
Ngayon, sa balita, parang unti-unti ng naglalaho ang mga butanding sa Donsol. Siguro dahil na rin sa climate change at sa maling paraan ng pagpapakain ng mga tao. Sana bago dumating yung time na mawala ng tuluyan ang mga butanding sa Donsol ay makapag swimming naman ako kasama nila. Sana rin ay matutong pangalagaan ng mga tao ang likas na yaman ng Donsol.
0 comments:
Post a Comment