Travel Promo

December 3, 2011

Pilipinas, Tara Na! v.2



Pilipinas, Tara Na! v.2
Words by: Rene NievaComposed by: Mike Villegas and Rico BlancoArranged by: Angelo Villegas

Ikaw ba'y nalulungkot
Naiinip, nababagot
Ikaw ba'y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?
Buhay mo ba'y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa't araw ba'y pareho
Parang walang pagbabago?
Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy ng todo.
Whoo!
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Ang galing ng Pilipino
Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?
Narating mo na ba
Ang Hundred Islands and Chocolate Hills
Pagudpud, Puerto Galera                    
Waterfalls ng Maria Cristina?
Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
RAP:
Libutin mo ang may pitong libo at isang daang isla
Ang minamahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan
Huwag maging dayuhan sa sarili mong bayan!
Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?
Nalasahan mo na ba
Ang Mangga ng Guimaras
Pancit Molo, Gensan Tuna
At Bagnet ng Ilocandia?
Tara na, biyahe tayo
Nang makatulong kahit pa'no
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating Makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Naabot mo na ba
Ang tuktok ng Mount Apo
Crater ng Pinatubo
Sagada sa Cordillera?
Natanaw mo na ba
Ang Butanding sa Donsol
Ang Tarsier at Tamaraw
Ang Haribon sa Mindanao?
Tara na, biyahe tayo!
Upang masilayan
Kariktan ng kalikasan
Na dapat pangalagaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.
Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.
RAP:
Halika’t samahan natin ang bawat Pilipino
Sumakay sa kalesa, barko, o kahit pa eroplano

0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | GreenGeeks Review