Travel Promo

April 10, 2013

Daytour in Anawangin Cove, San Antonio Zambales (3 of 3)


Dahil day tour lang kami, dala na namin ang aming pagkain. Luto na kaagad.



There are many stores who sells everything you need in Anawangin. Water, pangatong, cup noodles, souvenirs, sorftdrinks, toiletries at kung anu-ano pa. Kaya kung may nakalimutan ka sa mainland, may available din sa cove. At gaya ng maraming sikat na beach resorts, meron din henna tattoo dito.



Nakuha ng aming pansin ang mag-iinang katutubo na nagbebenta ng souvenirs. Nakipagkwentuhan si ate sa amin. Dati daw malaya silang naglilibot sa Anawangin noong wala pang gaanong pumumuntang turista, ngayon kahit magtinda ay pinagbabawalan sila. Nakatira daw sila sa Nagsasa. Marami pang kwento si ate. Sana naman huwag mangyari sa kanilang mga katutubo ang nangyari sa mga Ati ng Boracay.



Sa sobrang init ng panahon, bumili si Gian ng halo-halo. Mantakin mo.... Php 40.00!


If you're staying overnight, kung ayaw mong mamulot ng panggatong, may mabibili din sa halagang Php 50.00.


We walked along the beach to the far end of the cove. Yung malapit sa bundok. Napakainit ng buhangin. Even though we wore our slippers, tagos hanggang talampakan ang init. Mas maganda siguro kung meron kang beach shoes.


And then I saw this sa mga rock. Vandalism. Parang CR ng girls noong nasa high school ako.


Nagpasundo kami sa bangkero ng 4:00pm. Tamang-tama lang ang oras namin sa Anawangin para sa day tour. Overall, its a great weekend for all of us and we will definitely come back....overnight naman next time!


TIPS:

1.  Pumunta ng maaga. Mas maaga, mas malamig, mas makakapili ka ng spot na pagtatayuan mo ng tent. Makipagtawaran sa bangkero.
2.  Ibalot ang mga gamit sa plastik kapag nakasakay na sa bangka. Medyo malakas kasi ang alon at sumasalpok ang tubig sa loob ng bangka. 
3.  Magdala ng tent kahit day tour lang para kung gusto mong magpahinga o matulog meron kang masisilungan na tent.
4. Magdala ng maraming tubig.
5. If day tour lang, maligo ng maaga, mga bandang 3pm para walang masyadong pila at medyo malakas pa ang tulo ng tubig.
6.  Magdala ng maraming pagkain. Kahit may mabibilhan dun, medyo mahal ang presyo kumpara sa mainland. Parang nakakainggit kapag nakikita mong maraming pagkain ang mga katabi mo. Lalo na kapag naaamoy ang barbeque nilang dala.
7.  Magdala ng duyan. masarap magpahinga/magduyan sa ilalim ng mga pine trees. Kung wala kang duyan, may mabibili dun. Php 150.00. Matutong tumawad.
8.  Magdala ng first aid kit o kahit alcohol man lang.
9.  Magdala ng extra battery para sa camera.
10.  And of course ang pinakamahalaga, magdala ng garbage bag. Matuto tayong huwag magkalat.


0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | GreenGeeks Review