The first time I visited Boracay, kasama sa package ng hotel
yung transfer from Kalibo. Southwest Tours. Di ko masyadong pansin ang service
nila. First time kasi kaya siguro ganun. Medyo excited kasi ako kaya di masyado
pansin yung service.
The second time, package din sa hotel...Island Star
naman.... Medyo di ako satisfied sa service nila. Medyo luma at parang kulang
ang mga bus. Dahil sa kakulangan ng bus...may nangyaring di kanais-nais ng
pabalik na kami ng Kalibo. Dahil dun.... ayoko na sa kanila.
The third time....dun sa package ng hotel...Island Star ang
partner nila. Sabi ko, ayoko! Bumalik ako sa Southwest.
We booked our Boracay transfer online. Madali lang. Credit
credit card ang pinambayad namin. Pati environmental fee at terminal fee binayaran na rin namin para di na pumila pagdating ng Caticlan.
Pagdating
sa arrival area ng airport, may booth ang Southwest. Just say your name to the
attendant and she will give you the bus number at sticker na ididikit sa left chest. Walang hassle. They will even
assist you with your baggage.
Marami silang bus. Halos bago. Meron ding coaster at van
para sa mga group for charter. Ng mapuno ang bus...may kaunting briefing.
Pinakilala din ang aming driver. Maaga kaming nakarating nga Catilan. Isang
oras at kalahati at nasa pier na kami.
Nakalimutan kong kuhanan ng litrato yung bus. Coaster na lang.
Pagbaba ng bus, may binigay na ticket. Environment at terminal fee. Ayos!
Pagpasok sa terminal.... may pinapirma...di ko na naman napansin kung ano yun...basta nilista ko lang ang mga pangalan namin pati kung saang hotel kami. May mga senior citizen na nagpe-perform. Gusto ko pa sanang makinig kaso baka maiwan kami ng boat. Naghulog nalang kami ng donation.
Dahil may Southwest sticker kami....may special lane.. Express lane!
Matapos maghintay ng mahigit kumulang sampung minuto....dumating na ang boat.
Akala ko heto na yun...may tatak kasi na Southwest Tours e... mali pala ako....
Heto pala...isang Montenegro fast craft ferry.Wala pa yatang sampung minuto...nakarating na kami sa Cagbang Port. Nahilo ako...pakiramdam ko ay forever ang biyahe papuntang isla... mas guto ko yata yung ordinary boat...malalanghap mo ang sariwang hangin.
Pagdating sa Cagbang...sumakay kami sa aircon na multi-cab na maghahatid sa amin sa hotel. Ayun...sa sobrang excitement..nakalimutan na namang kuhanan ng picture!
Overall, I'm very satisfied with the service rendered by Southwest Tours. Highly recommended!
0 comments:
Post a Comment