Travel Promo

March 2, 2013

Crowded Kalibo Airport

 With all the tourists departing from Kalibo Airport, napakaliit nito. Lalo na pag sa bandang hapon na halos magkakasabay yung oras ng mga flights, ang daming tao. Napaka crowded. Ang gulo. Ang init. Ang haba ng pila. Ni hindi mo malaman kung saan ang pila ng airline mo. Hay buhay! Pagod na nga mula sa mahabang biyahe mula Boracay, pagdating sa airport...ayun...siksikan.  Nag web check-in nga kami...ganun din pala.



Pagkalagpas ng check-in counter at magbayad ng terminal fee. Mura lang dito. Php 40.00 lang. Pagpasok sa loob...walang maupuan. Hay buhay ulit! Buti na lang malinis ang kanilang mga CR.

Alam ko bagong renovate na ito, kaso parang hindi na anticipate ang magiging scenario kapang sabay sabay ang mga tao. Sana sa susunod...maging maayos na ang sistema. Baka matulad din ito na mapabilang sa worst airport.


0 comments:

Post a Comment

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | GreenGeeks Review