After the Honda Bay Island Hopping Tour, we were so tired and hungry. The van dropped us back to the inn. Ng makaligo na lahat, nagpahatid kami sa tricycle sa Noki Nocs (P10.00) sa tapat ng kapitolyo. Masarap daw kasi ang halo-halo nila dun. Halos pagabi na ng makarating kami. Maaga silang nagsasara. 8pm.
Hindi ko alam kung dahil sa crime-free ang Puerto Princesa o dahil may maliit na police outpost sa tapat nila kaya wala silang guard.
Pagpasok sa loob, para siyang fastfood/turo-turo carinderia na naka aircon.
I oredered Combo Halo 2. Hanburger and Halo-halo for Php 130.00.
Masarap ang kanilang halo-halo. May kaunting saging saba, red monggo at cornflakes. Walang gaanong sangkap ngunit masarap ang kanilang yelo. Parang homemade. Parang nakahalo na ang gatas sa yelo bago nashave. Masarap talaga. Hindi gaanong matamis. Kung gusto mong walang ice cream pwede din. Php 85.00 ang order ng Halo-halo with Ice Cream at Php 75.00 naman ang wala.
Dahil nasarapan ako sa halo-halo, binalikan ko pa ulit sa last night namin sa Puerto Princesa. Ito yung gabi na naiwan ni JoAnn yung pinamili nya at binalikan nalang namin kinabukasan.
When in Puerto Princesa City, lalo na pag summer na napakainit ng panahon, halo-halo sa Noki Nocs is a must try.
Noko Nocs Savory House is located at Rizal Ave. – Fernandez Ave Corner (Junction 1), Puerto Princesa City, Palawan (in front of provincial Capitol Building)
Tel. No.: (048) 723 2500
0 comments:
Post a Comment